DAR, tinanggal na ang suspensyon sa distribusyon ng agricultural lands

51

Inalis na ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones ang suspensyon sa distribusyon ng lupang sakahan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Sa inilabas na Administrative Order no. 2, tinanggal na ang ilang probisyon sa naunang AO No. 6.


Sa ilalim ng naunang AO No. 6, partikular na sinuspinde ang land acquisition and distribution ng CARP-covered lands na mayroong pending petition o protesta, may aplikasyon ng conversion, exemptions at exclusions.

Sa bagong kautusan, maaari na muling magpatuloy ang proseso hanggang sa pag-iisyu ng CLOA at aktuwal na pamamahagi ng lupa sa Agrarian Reform Beneficiaries kahit mayroong pending protest.

Maaari na lamang itong maipatigil kung may kautusan ng Court of Appeals o Supreme Court.

Facebook Comments