Daraga mayor, mariing itinanggi na may kinalaman sa Batocabe slay

80

Mariing itinanggi ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at kaniyang security na si SPO2 Orlando Diaz.

Ayon kay Baldo, wala siyang kinalaman sa anumang ibinibintang sa kaniya.

Aniya, malinis ang kaniyang record at patuloy na nakikiramay sa pamilya nina Batocabe at Diaz.

Paniwala rin ng alkalde, ginagamit siyang scapegoat sa kaso habang nananatiling malaya ang mga tunay umanong nasa likod ng krimen.

Giit pa ni Baldo, maging siya ay nais rin niyang malaman ang mastermind sa pagpatay sa mambabatas.

Dahil sa hindi pa raw niya nababasa ang alegasyon laban sa kaniya, tumanggi muna si Baldo na magkomento sa kaso batay na rin umano sa payo ng kaniyang abogado.

Tiniyak rin ni Baldo na tuloy ang kaniyang pagseserbisyo sa kabila ng bintang laban sa kaniya.

Facebook Comments