Daraga municipal police station, kinumpirmang nananatili sa kanyang opisina si Mayor Carlwyn Baldo

1319

Inaabangan na lang ng PNP Daraga ang ilalabas na warrant of arrest laban kay Mayor Carlwyn Baldo na itinuturing mastermind sa pagkakapatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Sa interview ng RMN Manila kay Supt. Dennis Balia- Hepe ng Daraga Municipal Police Station, kinumpirma nito na si Mayor Baldo ay nananatili sa kaniyang opisina.

Sinabi pa ni Balia na hindi daw nila napag-usapan ang naging presscon ni PNP Chief Police Director Oscar Albayalde kung saan iginiit nito na sakaling lumabas ang warrant of arrest, kahit sino daw ay pwedeng dakipin ang nasabing alkalde.

Dagdag pa ni Balia, wala silang sasantuhin at ipapatupad nila ang batas kahit pa alkalde ito ng kanilang bayan.

Facebook Comments