Dasmariñas City, Cavite, nakapagtala na ng tatlong patay sa COVID-19

Umaabot na sa 11 ang kaso ng COVID-19 sa Dasmariñas City sa Cavite.

Sa natureng bilang, tatlo ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Unang binawian ng buhay ang Patient #4 na na-admit sa Dela Salle University Medical center gayundin si patient #9 na naka-admit din sa naturang hospital.


Kabilang din sa binawian ng buhay sa COVID-19 si patient #10 na na-confine naman sa Pagamutan ng Dasmariñas.

Habang ang bilang naman ng persons under investigation sa Dasmariñas City ay pumalo narin sa 72 katao.

Samantala, umakyat narin sa 914 ang bilang ng Persons under monitoring sa nasabing lugar kung saan 236 dito ay sumailalim sa 14 days Quarantine habang ang 678 naman ay nakatapos na sa 14 days Quarantine.

Facebook Comments