Dating aide ng ex-mayor sa Bataan, tinambangan

267

Bataan, Philippines – Patay matapos tambangan ng naka-riding in tandem na mga suspek ang isang dating aide ng dating mayor ng Pilar, Bataan ganap na alas dose ng tanghali nitong Lunes (May 22).

Sa inisyal na ulat ng Bataan police, kinilala ang napatay na si Crispin Artuz, 54 anyo,s makaraang pagbabarilin ng suspek habang lulan ang biktima ng isang pampasaherong tricycle.


Si Artuz ay dating bodyguard ni dating Pilar, Bataan Mayor Charlie Pizarro Jr. na ngayon ay general manager na ng Metro Bataan Development Authority.

Pero nilinaw ni Pizarro na hindi na sa kanya nagtatrabaho ito simula pa nung natapos ang kanyang term bilang alkalde ng Pilar.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima mula sa caliber 45 pistol na ginamit ng mga suspek.

Isinugod ang biktima sa Saint Joseph Medical Center kung saan idineklarang dead on arrival.




Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa naturang krimen.
DZXL558

Facebook Comments