Dating aktres, 4 iba pa, huli sa buy-bust operation sa Cavite

933

Naaresto ng mga otoridad ang dating artistang si Angela Zamora kasama ng kanyang ka-live in partner na si Vladimir Bersana alyas “Chito” sa ikinasang buy-bust operation ng Bacoor, Cavite police station sa Molino Boulevard sa nasabing lungsod.

Bukod kay Zamora at Bersana, naaresto din sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay at Loro Lopez matapos magsagawa ng follow up operation ang mga otoridad.


Umabot pa hanggang sa Imus City ang habulan bago naaresto ang mga suspek na sinasabing nasa high value target kung saan kabilang ang mga ito sa tatlumpu’t isang drug suspect na dinakip sa dalawang araw na imbestigasyon laban sa iligal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit isang milyong pisong halaga nang shabu at isang calibre 45 na baril.

Si Zamora o Angela Garcia Bobis ay parte ng Star Circle Batch 5.

Samantala, nag-aalala ngayon si Bobis kung sino ang mag-aalaga sa lima nilang mga anak matapos ang kanilang pagkakakulong.

Tiniyak naman ng Bacoor City police na susunod-sunurin nila ang operasyon laban sa illegal drugs.

Habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

Facebook Comments

From Advertisers