Dating Barangay Chairman pinagbabaril sa Bugallon Pangasinan

Sugatan ang dating barangay Chairman ng Polong Bugallon Pangasinan matapos itong pagbabarilin ng Riding in tandem.

Sa panayam ng iFM Dagupan kay Police Major Amor Somine, Officer in Charge ng PNP Bugallon, lulan ng kaniyang motor ang biktimang si Willie Ancheta, 67 anyos at ng isa pang back rider nito ng pagbabarilin sila ng hindi pa nakikilang suspek.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, Pauwi na ang dalawa galing sa sabungan sa Lingayen Pangasinan at ng makarating sa barangay Bañaga doon na nag over take ang mga suspek at pinagbabaril ang dalawa.


Nagtamo ng sugat sa mukha ang dating punong barangay at sa ngayon inaalam pa ang motibo ng pamamaril kay Ancheta gayundin ang pagsasagawa ng aksyon para sa agarang pagkakadakip ng mga suspek.

Facebook Comments