Dating barangay kagawad at dalawa pang babae sa Pateros, arestado dahil sa iligal na droga

77

tTimbog ang isang dating barangay kagawad sa isang barangay ng Pateros at dalawang babaeng kasama nito matapos isagawa ang drug buy-bust operation laban sa kanya.

Nakilala ang mga suspek na si Imelda Reyes Soriano, 42 anyos, Nenita Banaag Buenaventura, 59 anyos at Renatos Ocol Sanga, 48 anyos na dating barangay kagawad.

Lahat ng mga suspek ay mga residente ng nasabing bayan.


Nakuha mula sa mga suspek ang pitong gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱47,600.

Ginawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng P. Rosales St., Barangay Sta. Ana ng nasabing bayan.

Nakakulong na ang mga suspek sa Pateros Philippine National Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.



Facebook Comments