Dating bise alkalde ng Quezon City na si Rosario ‘Charito’ Planas, pumanaw na

40

Manila, Philippines – Pumanaw na ang dating bise-alkalde ng Quezon City na si Rosario ‘Charito’ Planas sa edad na 87-anyos.
Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang pagkamatay ni Planas pero hindi tinukoy ang dahilan ng pagpanaw ng dating opisyal.
Bukod sa pagiging bise-alkalde ng Quezon City noong 1992, nakilala rin si Planas matapos itong maging tagapagsalita ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2010 hanggang 2011.
Nagsilbi rin ito bilang pangulo ng Quezon City Parks Development Foundation at naging opisyal ng Nayong Pilipino Foundation.

Facebook Comments