Dating CAFGU na may kasong panggagahasa, naaresto ng PNP-AKG sa Zamboanga del Norte

142

Hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) dahil sa kasong panggagahasa.

Ayon kay PNP-AKG Director Brig. General Jonnel Estomo, ang naarestong ex-CAFGU ay si Rochel Enanyog na may kasong three counts of rape at sexual assault.


Ito ay matapos na paulit-ulit na pagsamantalahan ang kanyang katorse anyos na sariling anak sa Purok 3, Brgy. Tuburan, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte nang nakalipas na taon.

Nagtago ito sa batas kaya naging number 4 Most Wanted Person ng Sergio Osmeña Municipal Police Station sa Zamboanga del Norte.

Nakakulong na ito ngayon matapos isailalim sa booking procedures.

Facebook Comments