Dating Caloocan City Mayor Echiverri – nahaharap sa ikawalo nitong graft case sa Sandiganbayan

172

Manila, Philippines – Nahaharap sa panibago at ikawalong graft case sa Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri kaugnay ng road project nito sa lungsod.

Base sa impormasyong inihain sa Ombudsman, nagbigay si Echiverri ng “unwarranted benefits and advantage” sa Tuchar Construction para sa P3.6 million road construction ng tatlong kalsada sa barangay 187 noong 2012.


Kasama ring kinasuhan sina City Accountant Edna Centeno at City Budget Officer Jesusa Garcia.

Si Echiverri at mga dating opisyal nito sa city hall ay una nang kinasuhan ng graft sa 3rd, 5th at 2nd divisions ng Sandiganbayan dahil naman sa maanomalyang drainage at construction projects mula 2011 hanggang 2013.

DZXL558

Facebook Comments