Dating Chief of Police ng Jolo PNP, patay sa pamamaril sa Maguindanao

316

Patay sa pamamaril ang dating Chief of Police ng Jolo Police na si Pol. Lt. Col. Walter Annayo sa Narciso Ramos Highway Brgy. Macabiso Sultan Mastura, Maguindanao.

Sa ulat ng PNP alas-1:45 ng hapon nang mangyari ang pamamaril.


Patungo sana sa Parang Maguindanao si Annayo pero pagsapit Narciso Ramos Highway ay bumaba ito at bibili sana ng buko juice nang bigla itong pagbabarilin nang suspek na sakay ng puting Toyota Fortuner.

Nagtamo ang police officer ng tama bala ng baril sa kanyang ulo at ibat ibang parte ng kanyang katawan na agad niyang ikinamatay.

Si Captain Annayo ang Hepe ng Jolo PNP nang mangyari ang shooting incident sa pagitan ng ilang tauhan ng PNP Jolo at mga miyembro ng Philippine Army na ikinasawi ng apat na sundalo sa Jolo Sulu noong buwan mg Hunyo.

Siya ay sinibak sa pwesto at itinalaga sa Regional Personnel Holding Unit sa PRO BAR matapos ang insidente.




Sa ngayon, tinutugis na ng mga tauhan ng Maguindanao Municipal Police Station ang kinaroroonan ng nakatakas na suspek.

Facebook Comments