Dating child star na si Bugoy Cariño, may buwelta sa mga basher

116

“Hindi niyo po alam ang buong story namin”

Ito ang buwelta ng dating child star na si Bugoy Cariño matapos akusahan na isang pedophile ang kaniyang girlfriend na si EJ Laure, na isang volleyball player.

Una nang nag-post si Bugoy sa kaniyang Instagram account noong kaniyang 18th birthday ng picture nila ni EJ kasama ang kanilang anak kung saan marami ang humusga dahil 19 years old noon si Laure habang 15 naman si Bugoy ng maging ama.

Depensa ng dating child star, at least siya ay pinanindigan at hindi tinakbuhan ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang mag-ina.

Matatandaang, usap-usapan ang pagbubuntis ni EJ nang tumigil itong maglaro noon sa UAAP season 80 kung saan sinabi niyang dahil ito sa kaniyang shoulder injury.

Facebook Comments