Dating coach ng UST na si Aldin Ayo, walang nilabag na health protocols sa kontrobersyal na Bicol bubble

44

Wala anumang nilabag na health protocols si dating UST Coach Aldin Ayo sa nangyaring kontrobersyal na Bicol bubble kung saan nakasama at nanatili sa kaniyang poder ang ilan nitong players.

Mismo si Sorsogon Governor Chiz Escudero ang naglabas ng certification na walang nilabag na anumang health protocols sina Ayo at mga players ng Tigers base na rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Lumalabas din sa ginawang imbestigasyon ng Sorsogon City Police na wala rin nangyaring training sa loob at labas ng tahanan ni Ayo pero mayroon silang ginawang aktibidad na hindi rin bawal sa inilabas na guidelines ng provincial government.

Dahil sa insidente, nagbitiw bilang Coach ng UST si Ayo pero ikinagulat niya ang pagpataw ng UAAP Board and Trustees ng indefinite suspension kaya’t plano niya itong iapela.

Facebook Comments