Dating Congressman, ng 5th District Pangasinan Amado Espino Jr pinagbabaril at ngayon ay inoobserbahan

3328

Patuloy na ginagamit ngayon sa Holy Blessed Family Hospital, San Carlos City, Pangasinan ang dating Congressman na si Amado Espino Jr.

 

Sa report na ipinadala ni PNP Spokesperson Police Brigadier Gen Bernard Banac pinagbabaril si Espino kaninang pasado alas -4:00 ng hapon sa Magtaking San Carlos City Pangasinan.


 

Aniya sakay ito ng kanyang sasakyan ng pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

 

Naisugod  agad ang biktima sa Holy Blessed Family Hospital sa San Carlos City at ngayon ay patuloy na inoobserbahan.

 

Sa ngayon nagpapatuloy ang dragnet operation ng San Carlos City Police Station para maaresto ang mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers