Dating DILG Secretary Ismael Sueno, kumbinsidong hindi dumaan sa tamang proseso ang pag-alis sa kanya sa puwesto

47

Manila, Philippines – Kumbinsido si dating DILG Sec. Ismael Sueno na hindi dumaan sa tamang proseso ang pag-alis sa kanya sa puwesto.

Sa isinagawang press conference kanina, sinabi ni Sueno na hindi kasi siya nabigyan ng pagkakataon na mailahad ang kanyang panig.

Aminado rin ang dating kalihim na talagang nasaktan siya sa ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte pero nilinaw naman nito na wala siyang sama ng loob sa Pangulo.

Kasabay nito ay inamin din ni Sueno na hindi pa siya handang maka-usap ng personal si Pangulong Duterte.

Matatandaang nitong Lunes ng gabi (April 3) ay inalis ni Pangulong Duterte sa puwesto si Sueno dahil sa “loss of confidence.”
Nation”

Facebook Comments