Dating DPWH Usec. Bernardo, humirit din ng reset sa pagharap sa hearing ng ICI ngayong araw

Screenshot from Senate of the Philippines/YouTube

Humirit din ng reset si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa kanyang pagharap ngayong araw sa hearing ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Hosaka,nakiusap si Bernardo na bigyan siya ng sapat ng panahon na paghandaan ang kaniyang patuloy na pagbibigay ng testimonya.

Bunga nito, sa October 15 dakong 10:00 a.m. muling haharap sa ICI si Bernardo.

Una na ring humingi ng pitong araw na palugit ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya para ma-retrieve nila ang ilang dokumento na kanilang isusumite sa Komisyon.

Sa October 15 din muling haharap sa ICI hearing ang mag-asawang Discaya .

Facebook Comments