Dating ERC Chairperson Agnes Devanadera, itinalaga bilang acting president at CEO ng Clark Development Corporation

257

Itinalaga si dating Energy Regulatory Commission Chairperson Agnes Devanadera bilang bagong acting president at CEO ng Clark Development Corporation (CDC).

Batay ito sa isang liham mula sa Malakanyang na pirmado ni Executive Secretary Vic Rodriguez na may petsang September 1.

Maliban dito ay itinalaga rin si Devanadera bilang miyembro ng Clark Development Corporation board.


Mababatid na itinalaga si Devanadera ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ERC noong 2017 kung saan humarap ito sa isang graft case bilang abogado ng Office of the Government Corporate Counsel pero ibinasura rin kalaunan dahil sa mabagal na pag-usad ng kaso.

Facebook Comments