Dating First Gentleman Mike Arroyo, humiling na makalabas ng bansa

Manila, Philippines – Humingi ng permiso si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa Sandiganbayan Seventh Division na makapunta sa Fatima, Portugal para sa isang pilgrimage.

Sa mosyong inihain ni Arroyo, hiniling nito na payagan siyang umalis ng bansa mula Hulyo 11 hanggang Agosto 1.

Bukod sa Portugal, sinabi ni Arroyo na bibiyahe rin siya sa United Kingdom, at Ireland.


Kailangang magpa-alam ni Arroyo sa korte tuwing lalabas sa bansa dahil sa mga nakabinbin nitong kaso sa Sandiganbayan.

Nahaharap ang dating unang ginoo sa kasong graft sa Seventh Division kaugnay ng biniling helicopter ng Philippine National Police na pinalabas na brand new kahit ito ay segunda mano na.

Facebook Comments