Dating Gobernador Ito Ynares, isinailalim na rin sa isolation matapos magpositibo sa COVID-19 si Gov. Nini Ynares

149

Nagpasya ang pamilya Ynares na isailalim na rin sa Isolation si dating Gobernor Ito Ynares matapos na magpositibo sa COVID-19 ang asawa nitong si Rizal Governor Rebecca Nini Alcantara-Ynares.

Posibleng nakuha umano ni Governor Ynares sa araw-araw na pag-iikot nito  sa kanilang mga nasasakupan  para alamin ang mga pangangailan dahil sa Enhance Community Quarantine (ECQ) dahil ito ay bahagi ng ginagawa nila sa kanilang lalawigan.


Ipinapabatid ng mga Ynares na sa dalawang linggo na nakasalamuha ng Gobernadora at isa na rito si Antipolo City Mayor Andeng Bautista-Ynares.

Pinayuhan ng mga Medical exspert ang mga residente ng Antipolo City na kung mayroong silang nararamdamang sintomas ay agad na magpatingin sa doktor at kung hindi naman ay kinakailangan nilang  magpa Quarantine ng 14 araw  alin-sunod  sa kautusan ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments