Dating lakas Chairman Gloria Arroyo, nanumpa na bilang PDP-Laban member

60

Manila, Philippines – Nanumpa na bilang mga bagong myembro ng PDP-Laban sina Pampanga Rep. Gloria Arroyo, Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo at Bohol Rep. Arthur Yap.

Ang mga bagong myembro ay nanumpa sa harap ni House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Farinas.

Ayon kay Arroyo, dating LAKAS-KAMPI-CMD Chairman, ang pagsapi niya sa PDP-Laban ay bilang pagpapatibay ng kanyang commitment at suporta kay Pangulng Duterte.

Matatandaan na kahit natanggalan ng leadership si Arroyo bilang Deputy Speaker matapos na bumoto ng NO sa death penalty bill, ay tiniyak nitong buo ang kanyang suporta sa Pangulo at saliderato ng mababang Kapulungan.

Dagdag pa ni CGMA, matagal na nilang napag-uusapan sa partido ang pagsama niya sa PDP-Laban.

Facebook Comments