
Nanggigil ang mga kongresistang namumuno at miyembro ng House Quad Committee kay dating Mandaluyong Police Chief Col. Hector Grijaldo.
Sa ika-14 na pagdinig ng quad committee ay paulit ulit na ininvoke ni Grijaldo ang kanyang right against self-incrimination sa halip na sagutin ang tanong mga kongresista.
Kaugnay ito sa pinapanindigan nyang sinumpaang pahayag sa pagdinig ng Senado na pinilit sya nina Representatives Dan Fernandez at Benny Abante na tumestigo at patotohanan ang reward system sa ilalim ng war on drugs na isiniwalat ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at retired Police Col. Royina garma.
Emosyonal na sinabi ni Grijaldo na ang kanyang sinumpaang salaysay sa Senado ay bunga ng enlightenment matapos nyang mapakinggan ang mensahe ng pari sa dinaluhan nyang Sunday mass kasama ang misis.
Labis naman itong ikinadismaya ng mga kongresistang bumubuo sa house quad committee lalo na ang overall chairman nito na si Rep. Robert Ace Barbers na hinamon si Grijaldo na ipakita ang tapang sa Senado at huwag magtago sa likod ng right against self-incrimination.