Dating mayor ng Medellin Cebu, patay matapos barilin sa loob ng ospital

915
File photo

Nasawi ang dating alkalde ng Medellin, Cebu matapos sugurin at barilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa loob ng isang pribadong ospital sa nasabing bayan.

Dead on the spot ang 55 taong gulang na si Ricardo “Ricky” Ramirez na naka-hospital arrest sa Bogo-Medellin Corporation Medical Center.


Natagpuan naliligo sa sariling dugo si Ramirez sa loob ng palikuran ng kanyang kuwarto.

Ayon kay M/Sgt. Winston Isnani ng Medellin Police Station, hindi bababa sa sampung armadong lalaki ang pumasok sa pagamutan. Biglang pinadapa ang mga hospital staff at kinumpiska ang kanilang mga cellphone. Kinuha din ng mga salarin ang armas ng mga nagbabantay sa dating mayor.

Matapos ang pamamaril, agad tumakas ang mga suspek. Walang naiulat na nasaktan sa panig ng mga guwardya at medical staff.

Naaresto noong Hulyo 2017 si Ramirez sa kasong illegal possession of firearms at sumailalim sa hospital arrest dahil sa paninikip ng dibdib.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing krimen. Isang manhunt operation ang isinisagawa sa agaran pagdakip ng mga salarin.

Facebook Comments

From Advertisers