Dating MILF combatants, sumabak sa pagsasanay sa organikong pagsasaka!

69

Aabot sa 320 mga magsasaka na dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang lumahok sa organic vegetable production training sa Lanao del Sur.

Pinangunahan ni Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR)-BARMM Minister Ammal Solaiman, ang team ng Municipal Agriculture Officers, sa pagsasagawa ng practical training on organic vegetable management.


Ayon kay Solaiman, isa lamang ito sa mga pangunahing agenda ni Chief Minister Ahod ‘Al Haj Murad’ Ebrahim na mapaabot ang basic services sa komunidad.

Pagtakatapos ng training ay nagkaroon ng ceremonial vegetable seed distribution sa pamamagitan ng Basic Integration of Harmonized Intervention (BINHI) ng MAFAR.

Nangako naman ang ministeryo na tutulong sa paghahanap ng “market” o mapagbibentahan ng mga produkto ng mga benepisyaryo.

Facebook Comments