Dating military official, balak italaga sa agriculture dept

159

Isa namang dating military official ang balak italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Agriculture (DA).

Sa panayam sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy sinabi ng Pangulo na naghahanap pa siya ng ipapalit kay DA Secretary Manny Piñol na ililipat niya sa Mindanao Development Authority.


Paliwanag ng Pangulo – mas madali kasing utusan ang mga sundalo.

Kabilang sa mga dating military official na miyembro ngayon ng gabinete ng Pangulo ay sina DILG Secretary Eduardo Año, DENR Secretary Roy Cimatu, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Peace Adviser Carlito Galvez Jr., HUDCC Chairperson Eduardo Del Rosario at DSWD Secretary Rolando Bautista.

Samantala, ipinaliwanag din ng Pangulo kung bakit si Piñol ang nais niyang maging point man sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments

From Advertisers