Dating Misamis Oriental 1st District Rep. Prospero Nograles, pinakaksuhan kaugnay ng PDAF Scam

25

manila, Philippines-Pinakakasuhan ng Ombudsman si dating misamis Oriental 1st District Rep. Prospero Nograles dahil sa maano­malyang paggamit ng Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF).

 

 

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, tatlong counts ng graft at isang count ng  malversation at dalawang  counts ng malversation thru falsification of public documents ang kakaharapin ni Nograles.

 

Nag-ugat ang ano­mal­ya noong panunungkulan ni dating Congressman Danilo Lagbas na namatay noong 2008. 

 

Batay sa mga dokumento mula 2007 hanggang 2009, nag-release ang department of budget and management ng P47,500,000 bilang PDAF ni Lagbas.

 

Ilang NGO ang napili para magpatupad ng integrated livelihood projects sa unang distrito ng naturang lalawigan sa pamamagitan ng NABCOR, TRC at NLDC bilang implementing agencies.

 

Gayunman, nadiskub­re ng Ombudsman Field Investigation Unit sa Min­danao na karamihan sa benepisyaryo ng proyekto ay nagsabing hindi nakarating sa kanila ang proyekto.

Facebook Comments