Dating OFW, tumalon sa gusali patay sa Cotabato City

224

Manila, Philippines – Patay ang isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) matapos tumalon sa inuupahan nitong hotel sa Cotabato City.

Naisugod pa sa ospital si Saguira Sandap pero agad din itong binawian ng buhay.


Sa ulat, umakyat ng ikaapat na palapag ng nasabing gusali ang babae na may bitbit na patalim at bag.

Sinubukan pa ng mga awtoridad na makipag-negosasyon sa biktima pero tumanggi ito at tuluyang tumalon.

Lumalabas na kakakasal pa lamang ni sandap pero nauwi rin sa hiwalayan matapos ang apat na buwan.
DZXL558

Facebook Comments