Dating opisyal ng Baranggay patay sa pamamaril sa Antipas

18

Patay ang isang dating barangay kagawad nang pagbabarilin sa Antipas, North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Nemesio Castor, 65 anyos, residente ng Barangay Malangag, Antipas.
Ayon sa report, nagpapahinga lamang sa labas ng kanyang tahanan ang biktima nang bigla na lamang dumating ang nakamotorsiklong gunman at walang sabi-sabing pinaputukan si Castor.
Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang suspek samantalang agad din namang isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.
Hindi pa batid ang motibo sa krimen at kung sino ang nasa likod nito subalit nagpapatuloy naman ang pagsisiyasat ng Antipas-PNP kaugnay ng insidente.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments

From Advertisers