Dating opisyal ng pulisya, timbog sa Capiz dahil sa iligal na droga

Manila, Philippines – Natimbog ang isang dating opisyal ng pulisya sa isang operasyon sa probinsya ng Capiz kung saan narekober ang higit-kumulang P500,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Kinilala ni Deputy Director Levi Ortiz ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 6, ang suspek na si Bobby Legaspi na “high value target level 2” sa priority list ng PDEA sa Capiz.

Ayon sa PDEA, sa Maynila pa umano nag-aangkat ng droga si Legaspi na pinadadaan sa Caticlan o sa Ivisan para i-deliver sa mga contact niya.


Dagdag pa ni Ortiz, nahirapan silang hulihin si Legaspi na bunsod ng mga malalalim na koneksiyon dahil umano sa pagiging dating narcotics officer.

Facebook Comments