Dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo, nanganganib na mawalan ng pwesto sa kamara

16

Manila, Philippines-Nanganganib mawalan ng pwesto sa kamara si Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo.

 

Ito’y makaraang bumoto si ginang Arroyo kontra sa house bill 4727 na layuning ibalik ang parusang kamatayan.

 

Sa nominal voting, nanindigan ang dating Pangulo laban sa pagbuhay sa death penalty.

 

Tila nangangahulugan din ito na handa ang mambabatas na i-sakripisyo ang kanyang pagiging deputy speaker ng Mababang Kapulungan ng kongreso.

 

Magugunitang nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na matatanggalan ng committee position ang mga kongresistang tututol sa pagpasa sa death penalty.

Facebook Comments