Dating Pangulo ng Philippine Health Association, pumanaw na

Sumakabilang buhay ang dating Pangulo ng Philippine Heart Association na si Dr. Raul Diaz Jara.

Ito mismo ang inanusyo ng pamunuan ng Philippine Heart Association.

Walang sinabing dahilan sa pagkakasawi ni Jara pero siya ay itinururing na isa sa mga frontliner sa paglaban sa COVID-19 bilang isang Cardiologist.


Sa isang post, sinabi ng PHA na nagluluksa sila at kanilang kinikilala ang kontribusyon sa bayan ni Jara na isa ring mabuting ama at guro.

Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa pamilya na naiwan ni Jara.

Facebook Comments