Dating Pangulong Aquino, hindi dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte – house secretariat

Manila, Philippines – Kinumpirma ni House Sec. Gen. Cesar Pareja na hindi dadalo sa ikalawang SONA ni Pangulong Duterte si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Pareja, napadalhan ng imbitasyon si Aquino pero nagpasabi na ito na hindi ito pupunta sa SONA sa Lunes.

Hindi naman masabi ni Pareja kung ano ang dahilan ng dating Pangulo.


Sa lahat ng dating Presidente, si Pnoy lamang ang tumanggi sa imbitasyon at maging sa unang SONA ni Duterte ay hindi rin ito sumipot.

Samantala, inaasahang dadalo naman si Vice President Leni Robredo kung saan inaayos na ng kamara ang kwarto na magsisilbing holding area ng pangalawang Pangulo.

Facebook Comments