Dating Pangulong Aquino, pumanaw dahil sa renal disease secondary to diabetes

“He died peacefully in his sleep.”

Ito ang pahayag ni Pinky Aquino-Abellada sa pagpanaw ng kanilang kapatid na si dating Pangulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ Aquino III.

Ayon kay Pinky, alas-6:30 kaninang umaga nang ideklarang pumanaw na ang kaniyang kapatid dahil sa renal disease secondary to diabetes


Aniya, bago pa man magkaroon ng pandemic ay labas-pasok na sa ospital ang dating pangulo.

Kasabay nito, humingi naman ang pamilya Aquino ng paumanhin na hindi kaagad nila naipaalam sa publiko ang nangyari sa dating pangulo dahil na rin sa ipinatutupad na health protocols maging sa ospital.

Nagpasalamat din sila sa mga taong nagtiwala at sumuporta sa dating pangulo mula sa pagiging kongresista sa Tarlac at senador.

Una nang dinala sa Capitol Medical Center sa Quezon City kaninang umaga ang dating pangulo.

Facebook Comments