Dating Pangulong GMA, tatakbong kinatawan ng Pampanga sa 2022

184

Kinumpirma ni Pampanga Representative Juan Miguel Arroyo na kakandidato si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa 2022 elections.

Ayon kay Cong. Arroyo, kakandidato muli ang kaniyang ina para sa ikalawang distrito ng Pampanga.


Tinanggap na aniya ni GMA ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) na inisyu ng Lakas–Christian–Muslim Democrats o Lakas-CMD.

Samantala, si Cong. Arroyo naman ngayon ay hindi tatakbo sa eleksyon at sa halip ay magsisilbing campaign manager ng kaniyang ina.

Matatandaang 2016 nang maging kongresista si GMA at nagsilbing Deputy Speaker hanggang 2017 at Speaker of the House mula 2018 hanggang 2019.

Facebook Comments