Dating PCSO Chair Royina Garma, nananatiling nakakulong sa US — DFA

Nakakulong pa rin sa United States si dating police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa ahensiya, mula pa Nobyembre nakaraang taon ay nakakulong na si Garma sa US Immigration Facility sa San Francisco.

Matatandaang sangkot umano si Garma kasama si dating National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Edilberto Leonardo na nasa likod ng pamamaslang kay dating PCSO board Secretary Wesley Barayuga.

Matapos na matanggal ang contempt order ni Garma ay nagtungo ito sa United States.

Nakulong si Garma sa US dahil sa Magnitsky Act o money laundering at human rights violations.

Tiniyak naman ng DFA na regular ang ugnayan nila ng Philippine Consulate General sa Houston ukol sa kalagayan ni Garma.

Facebook Comments