Dating PhilHealth VP for Legal Sector Jojo del Rosario hindi pa dapat magdiwang makaraang makalusot sa preliminary na paghahain ng kaso sa mga opisyal na sangkot sa katiwalian sa PhilHealth

75

Wala pang rason para magdiwang si dating Philippine Health Insurance Corporation Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo del Rosario Jr.


Ayon kay Justice Sec Menardo Guevarra, 2 major areas pa lamang ang kanilang nasilip sa 1 buwang imbestigasyon kabilang ang Information Technology (IT) procurement at ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) kung saan dito nanggagaling o nagmumula ang korapsyon.

Aniya, isusunod na nila agad ang legal division ng PhilHealth kung saan dito umano pinangggagalingan ng mga iregularidad sa ahensiya.

Paliwanag ni Guevarra, may naumpisahan na sila sa legal sector ng PhilHealth pero dahil sa limitadong panahon ay hindi nila ito natapos, pero sa susunod na isa o dalawang buwan ang legal division na ang kanilang target na imbestigahan.

Una nang nagpost si del Rosario sa kanyang Facebook account na tila nagdiriwang dahil hindi sya kabilang sa mga inirekomendang makasuhan ng administratibo at kriminal hinggil sa korapsyon sa PhilHealth.

Facebook Comments