Dating PNP Chief Oscar Albayalde, hinamon na pangalanan ang ibang opisyal na sangkot sa PNP ninja cops

Hinahamon naman ngayon ng ilang kongresista si resigned PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na pangalanan na ang iba pang opisyal ng PNP na sangkot sa isyu ng ninja cops.

Giit ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, dapat na maalis na ang takot at isiwalat na ni Albayalde ang buong katotohanan ngayong wala na ito sa PNP.

Hinala ni Cullamat, dapat na magsalita na ng kanyang nalalaman sa ninja cops si Albayalde dahil maaaring hindi sa kanya nagsimula ang modus na ito.


Naniniwala ang kongresista na posibleng may iba pang dating PNP Chief bukod kay Albayalde ang nasasangkot sa racket ng mga ninja cops.

Sinabi pa ng mambabatas na nasasayang lamang ang pasweldo ng publiko sa mga opisyal na aniya’y bantay salakay pala sa halip na nagpapatupad ng peace and order sa bansa.

Facebook Comments