Dating Portland Trail Blazers Star Cliff Robinson, pumanaw na sa edad na 53

41

Pumanaw na ang dating NBA All-Star at Sixth Man of the Year na si Clifford Robinson sa edad na 53.

Ito ay kinumpirma ng kaniyang alma mater na University of Connecticut sa isang pahayag sa social media.

Nakilala si Clifford sa kaniyang trademark na headband at naglaro sa basketball ring sa loob ng 19 seasons sa NBA na suot ang uniporme ng Portland Trail Blazers, Phoenix Suns, Detroit Pistons, Golden State Warriors at New Jersey Nets.

Tinaguriang 1994 NBA All-Star Game si Clifford at napabilang din sa dalawang NBA All-Defensive second teams kung saan nagtamo ito ng average na 14.6 points at 4.6 rebounds sa 1,380 career games na ika-13 pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA.

Facebook Comments