Dating presidential candidate Gibo Teodoro, nagpabakuna laban sa COVID-19 sa Davao City

29

Nakipagkita si dating Defense Secretary at 2010 presidential candidate Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Ibinahagi ni dating Camarines Sur Rep. Rolando “Nonoy” Andaya Jr. sa kanyang Facebook account ang mga larawan ng naging pagbisita nila ni Teodoro kay Duterte sa Davao City.


Kasabay nito, nagpabakuna rin si Teodoro kontra COVID-19 sa hometown ng alkalde.

Una nang nagpahiwatig noong Pebrero si Teodoro ng tila intensiyong pagtakbo sa 2022 elections.

Pinalitan niya ang kanyang Facebook cover photo ng kulay berdeng tsek katabi ang taong 2022.

Si Teodoro ay naging Defense secretary sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.



Facebook Comments