Dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang, hindi protektado ng PSG

Itinanggi ng Presidential Security Group (PSG) ang ulat na pagprotekta sa Chinese businessman at dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang.

Si Yang ay nananatili sa Dusit Hotel sa Davao City.

Ayon kay PSG commander Colonel Randolph Cabangbang, personal niyang hindi kilala si Yang at ang mga galaw nito kaya walang personnel ng PSG ang nagbabantay sa dating economic adviser.


Matatandaang sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Yang na wala siyang kinalaman o impluwensya sa paggawad ng kontrata sa Pharmally, para sa COVID-19 pandemic supplies gaya ng face masks at face shields.

Facebook Comments