Dating pulis-Maynila na wanted dahil sa panggagahasa, natimbog na

Bumagsak na sa kamay ng Manila Police District (MPD) Station 3 ang dating pulis-Maynila na itinuturing nitong Number 3 Most Wanted Person ngayong huling bahagi ng taong 2020.

Ito ay si August Ceasar Abiog na inaresto sa lugar na kanyang tinitirhan sa Road 2, Balubaran, Malinta, Valenzuela City.

Ang pagdampot kay Abiog ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Silverio Castillo ng Manila Regional Trial Court Branch 46.


Si Abiog ay nahaharap sa kasong panggagahasa.

Facebook Comments