Dating Rebelde, Natanggap na ang Bagong Bahay

7

Cauayan City, Isabela- Pormal nang iginawad ng PNP Gattaran sa Lalawigan ng Cagayan ang libreng pabahay para sa isang dating miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Masayang tinanggap ito ni Alyas Melchor na residente ng Barangay Cunig sa Gattaran, Cagayan.


Kasama sa mga inihandog ng kapulisan kay Melchor ang bigas, groceries at iba’t-ibang kagamitan sa bahay.

Ang seremonya ay dinaluhan nina Police Col. Romualdo Bayting, DRDO bilang kinatawan ni Police Brigider Gen. Crizaldo Nieves, regional director at si Cagayan Police Provincial Officer Dir. Col. Ariel Quilang.

Facebook Comments