Dating rookie of the year ng PBA, kinuha bilang assistant coach ng Phoenix Super LPG Fuel Masters

81

Kinuha ng Phoenix Super LPG Fuel Masters si dating number one pick at rookie of the year Rich Alvarez para humalili bilang assistant coach ni Topex Robinson.

Kinumpirma mismo ni Phoenix Team Manager Paulo Bugia ang pagkakatalaga kay Alvarez na naging assistant coach ng Kia noong 2016-2018.

Bukod kay Alvarez, kinuha rin na assistant coach ng koponan si Jamike Jarin para tumulong kay coach Topex sa pagsabak ng Fuel Masters sa susunod na season ng PBA sakaling aprubahan ang pagsisimula ng laro sa bubble type league na gagawin sa Clark, Pampanga.

Matatandaan na ilang linggo nang naging kontrobersyal ang Fuel Masters matapos na tanggalin ang dating head coach nito na si Louie Alas.

Facebook Comments