Dating Sen. Ramon Revilla Sr., stable na ang kondisyon matapos isugod sa ospital

Nasa maayos na ang kalagayan ni Dating Senator Ramon Revilla Sr. matapos idala sa dalawang ospital.

Una siyang isinugod sa St. Dominic Medical Center sa Bacoor City, Cavite saka inilipat sa St. Luke’s Medical Center sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay Sen. Bong Revilla, Jr., conscious at responsive na ang kanyang ama.


Sinabi pa ng nakababatang Revilla na kinabitan na ng ventilator ang kanyang ama.

Nagpapasalamat siya sa lahat ng nagdasal para sa malampasan ng kanyang ama ang kanyang karamdaman.

Si Revilla Sr. ay nagsilbi sa Senado mula 1992 hanggang 2004.

Facebook Comments