Dating Senador Alan Peter Cayetano, pormal nang nanumpa bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs

28

Manila, Philippines – Nanumpa na si dating Senador Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs o DFA.

Ginanap ang oath taking ceremony sa presidential guest house sa Panacan, Davao City.

Matapos makumpirma si Cayetano sa Commission on Appointments (CA), nagtungo siya sa davao kasama ang kanyang pamilya para manumpa sa harap ng pangulo.

Kasama ng kalihim ang asawang si Taguig City Mayor Lano Cayetano, Senador Pia Cayetano at Film Director Lino Cayetano.
DZXL558

Facebook Comments