Dating Senador Bongbong Marcos, nanawagang huwag maniwala sa umano’y pamimigay ng Marcos gold ngayong araw

Manila, Philippines – Nagbabala si dating Senador Bongbong Marcos sa panlolokong mamimigay ng umano ng Marcos gold ngayong araw sa Intramuros, Maynila.

Iginiit ni Marcos – wala siyang kinalaman maging ang kanyang pamilya sa mangyayaring pagtitipon ng isang grupo na nangakong mamamahagi ng ginto ng pamilya Marcos.

Ani Marcos, mangingikil ang mga ito mula sa mga nagpapakilalang tagasuporta ng kanyang pamilya.


Apela ng dating senador sa publiko, huwag maniniwala sa mga sinasabi ng grupo.

Facebook Comments