Dating Senador Trillanes, ikinagalak ang pagkaaresto ng ICC kay dating Pangulong Duterte

Ikinatuwa ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang pag-aresto na kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na matapos ang walong taon mula nang ihain ang kasong crimes against humanity sa ICC, nahuli na rin ang berdugo.

Taong 2017 nang unang isampa ng grupong Magdalo ang kaso sa ICC.


Nagpasalamat naman si Trillanes sa mga naging katuwang nila sa mahabang pakikipaglaban para sa hustisya ng mga libu-libong biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments