Dating Senator Bong Revilla Jr, pinayagang makalabas muli ng kulungan

7

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan first division ang hiling ni dating Senador Ramon Revilla Jr. na mabisita ang ama nitong maysakit sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig bukas.

 

Ngunit hindi napagbigyan ang orihinal na hiling nito na madalaw ang ama mula alas sais ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

 

Ang pinayagan lamang na oras para makadalaw si Revilla sa ama ay mula alas sais ng umaga hanggang alas nuebe ng umaga.

 

Ang dating senador din ang dapat na sumagot sa lahat ng gastos sa paglabas nito ng kulungan patungo ng ospital at pabalik ng Kampo Crame.

 

Nakatakdang sumailalim sa gastroscopy at colonoscopy bukas  ang siyamnapung taong gulang na dating senador.

Facebook Comments