Dating Senator De Lima at Atty. Chel Diokno, tinanggap ang alok na mapabilang sila sa House Prosecution Panel

Agad na tinanggap nina dating Senator Leila de Lima at Atty. Chel Diokno ang alok ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mapabilang sila sa House Prosecution Panel para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay De Lima, ang kanyang desisyon ay alinsunod sa kanyang tungkulin at sa prinsipyo na ipaglaban ang katotohanan, pananagutan at rule of law na kanyang isinulong sa ilalim ng lahat ng administrasyon at sa anumang political affiliation.

Binigyang diin ni De Lima na ang pagsali nIya sa prosecution team ay bahagi ng kanyang mas malawak na adhikain para sa hustisya at reporma na kanyang itataguyod sa kanyang pag-upo sa Kamara bilang kinatawan ng Mamamayang Liberal (ML) Party-list.

Para naman kay incoming Akbayan Representative Atty. Chel Diokno, ang kanyang pagsali sa House Prosecution Panel ay bagong kabanata ng paglaban nya para sa katarungan at pananagutan.

Magugunita na ang Akbayan Party-list ay pangunahing nag-endorso ng unang impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Facebook Comments