Dating Solicitor General Florin Hilbay at kasalukuyang Solgen Jose Calida, nag-face off sa Korte Suprema sa nagpapatuloy na oral arguments sa kaso ni Sen. Leila De Lima

61

Manila, Philippines – Nagharap sa nagpapatuloy na oral arguments sa Korte Suprema sina dating Solicitor General Florin Hilbay na kumakatawan kay Senator Leila De Lima at ang kasalukuyang Solgen na si Jose Calida  na kumakatawan naman sa respondents na sina Muntinlupa RTC branch 204 Judge Juanita Guerrero at Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

 

Dito ay inilatag ni Hilbay ang mga argumentong gusto nilang palabasin at itama.

 

Binigyang diin din ni Hilbay na nagkaroon ng pagkakamali sa mga impormasyon noong arestuhin si De Lima nitong February 24 (Biyernes).

 

Aniya, walang hurisdiksyon ang Regional Trial Court sa naturang kaso kahit pa drug trading ang kaso ng senadora.

 

Ipinunto pa ni Hilbay na tanging ang Sandiganbayan lang ang may Exclusive Original Jurisdiction sa kaso.

 

Kinuwestyon naman ni Judge Presbitero Velasco si Hilbay kung saan hinanap nito ang kopya ng Anex A na katulad ng sinasabi nila sa mosyon ng petitioners.

 

Inaasahan namang tatagal hanggang mamayang gabi ang isinasagawang oral arguments sa kaso ni De Lima.

Facebook Comments